Kawani ng DPWH, nagpasagasa sa bus

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pisak ang 45-anyos na administrative assistant ng Department of Public Works and Highways (DPWH) regional office matapos itong magpasagasa sa pampasaherong bus sa kahabaan ng highway sa Barangay Namambalan, Tuguegarao City sa Cagayan kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Jessie Tamayao, hepe ng Tuguegarao City PNP, animo’y nag-suicide ang biktimang si Jihnny Rivera ng Bayombong, Nueva Vizcaya nang dumaan ang MRC Bus Liner sa kanyang tapat. Ayon sa driver ng bus na si Ernesto Abot, hindi na niya naiwasan ang biktima na tumalon mula sa tabi ng kalsada. Sumuko naman sa pulisya ang driver ng bus matapos ang insidente.

Show comments