Maglola nilamon ng ilog

MANILA, Philippines – Nilamon ng malakas na agos ang isang maglola matapos silang tangayin ng agos habang tumatawid sa  isang ilog sa Purok 5, Brgy. Salaogan, Dimata­ling, Zamboanga del Sur, kamakalawa ng gabi.

 Unang narekober kinabukasan ang katawan ni Merlina Coral, 51, siyang lumutang sa ilog. Ang kanyang apo na si Majorie Lorenia, 6, ay tinangay ng malakas na agos sa insidente at nahiwalay sa kanyang lola.

Sa ulat ng Zamboanga del Sur Police, dakong alas-10:45 ng gabi habang ang maglola ay tumatawid sa ilog nang ta­ngayin ng malakas na agos.

Ang pagbaha ay resulta ng 30-45 minutong mga pag-­ulan sa lugar kung saan bumagsak din ang tubig baha galing bundok na siyang nagpaapaw sa nasabing ilog.

Kaugnay nito, minobi­lisa na rin ng mga lokal na pamahalaan ang search and rescue operations upang hanapin ang nawawalang paslit.

Show comments