Mag-ama lunod sa pangingisda

BULACAN, Philippines – Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang mag-ama matapos itong malunod habang nangingisda sa gilid ng Tialo River sa Barangay Sto.Cristo, San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon. Natagpuan ang bangkay ng mag-amang Jose Batalla, 54; at Jojemar Batalla, 19, sa ilog ng Barangay Catmon sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan. Ayon kay PO3 Eric Belarmino, nangingisda ang mag-ama sa gilid na bahagi ng ilog sa kasagsagan ng malakas na ulan dulot ng bagyong Lando nang biglang mahulog ang mga ito kung saan inanod ng malakas na daloy ng tubig. Namataan naman ng ilang residente ang naganap sa mag-ama kaya humingi ng tulong sa search and rescue team ng lokal na pamahalaan subalit hindi na nakita pa hanggang sa matagpuan ang mga katawan sa nasabing lugar.

Show comments