Mayor Climaco patay sa ambush

Sa inisyal na ulat, lumilitaw na naganap ang ambush sa convoy ni Mayor Climaco habang patungo sa Barangay Poblacion mula sa kapistahan sa Barangay Cayamcam. STAR/File photo

MANILA, Philippines - Napatay ang betera­nong alkalde ng bayan ng Tungawan, Zamboanga Sibugay habang kritikal naman ang kanyang pinsan at dalawang iba pa matapos tambangan ng mga di-kilalang kalalakihan sa Barangay Cayamcam sa nasabing bayan kahapon.

Kinilala ang napaslang na opisyal na si Mayor Randy Climaco na sinasabing last term na bilang alkalde kung saan planong kumandidato sa pagka-vice mayor sa nabanggit na bayan.

Sugatan din si Vice Ma­yor Raup Arbison at ang dalawang kasamahan.

Planong humalili kay Mayor Climaco sa nalalapit na May 2016 national elections ang kanyang pinsang sugatan.

Sa inisyal na ulat, lumilitaw na naganap ang ambush sa convoy ni Mayor Climaco  habang patungo sa Barangay Poblacion mula sa kapistahan sa nasabing barangay.

Sa kasalukuyan ay inilatag na ang malawakang pagtugis sa grupo ng suspek na pansamantalang hindi muna isiniwalat ang mga pagkakakilanlan.

 

Show comments