Mag-utol na totoy nilamon ng apoy

Base sa imbestigasyon ng pulis­ya, isa sa biktima ang namataang sinindihan ang kurtina ng kanilang bahay kung saan mabilis namang kumalat ang apoy. File photo

MANILA, Philippines – Patay ang magkapatid na batang lalaki makaraang masunog ang kanilang bahay sa Barangay Tagpangi, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental noong Sabado ng umaga. Nabatid na ang mag-utol na may edad 2 at 5 ay iniwan ng kanilang ama na si Jezardy Montebon dahil papasok sa trabaho habang ang nanay na si Leonilyn ay naglalaba sa karatig lugar. Hindi na nailigtas ng mga kapitbahay ang mag-utol matapos na lamunin ng apoy ang bahay na gawa lamang sa light materials. Base sa imbestigasyon ng pulis­ya, isa sa biktima ang namataang sinindihan ang kurtina ng kanilang bahay kung saan mabilis namang kumalat ang apoy.

Show comments