Pusher dinedo sa harap ng ka-live-in

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Onsehan sa droga ang isa sa anggulo ng pulisya sa pagpatay sa 40-anyos na pusher matapos itong ratratin ng hindi kilalang lalaki sa harap ng kanyang ka-live-in sa Barangay Mabuttal East, bayan ng Ballesteros, Cagayan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Insp. Stanley Banan, hepe ng Ballesteros PNP ang napatay na si Vicmar Bugarin habang hindi naman sinaktan ng gunman ang kinakasama nitong si Katrina Oducayen na natulala matapos masaksihan ang pamamaril.  ?

Lumalabas sa imbestigasyon na sinalubong at nirat­rat ng gunman ang biktimang kakalabas pa lamang sa palikuran ng kanyang bahay.?

Nabatid na hinahanap ng gunman ang sinasabing mga bawal na droga na ipinatago sa biktima kung saan walang makita kaya mabilis na tumakas palayo sa crime scene.

Show comments