3 estudyante lunod sa tubig-baha

Sa police report na isinumite sa Camp Crame, lumilitaw na magkakasamang nagtungo ang 20 estudyante ng Aurora Pionners Memorial College at nag-mountain trekking, nag-swimming at nag-picnic sa may talon na itinuturing na sagradong lugar. Philstar.com/File

MANILA, Philippines - Tatlong estudyante sa kolehiyo ang namatay habang la­bing-anim naman ang nakaligtas kung saan isa pa ang nawawala makaraang anurin ng agos ng tubig mula sa kabundukan ng Barangay Lubid, bayan ng Aurora, Zamboanga del Sur noong Miyerkules ng hapon.

Sa ulat ng Zamboanga del Sur PNP, kinilala ang mga namatay na sina Pauline Bermejo, Luke Christian Besina, at si Princess Cadutdut.

Nakaligtas naman sina Fern Daga, Blayne Daga, Kirk Geremy Albaño, Mark Ryan Flores, Jason Dolero, Andy Quismondo, Jan Mark Basinillo, Ethel Lubaton, Glyzza Villoria, Ashley Godinez, Almira Gabod, Jason Mejarez, Jude Andrie Ceniza, Daniel Zamora, Carl Sususco at si Mark Lester Tagalogon.

Samantala, pinaghaha­nap ng search and rescue team ang isa pang estud­yante na si Daisy Margarrite Iway.

Sa police report na isinumite sa Camp Crame, lumilitaw na magkakasamang nagtungo ang 20 estudyante ng Aurora Pionners Memorial College at nag-mountain trekking, nag-swimming at nag-picnic sa may talon na itinuturing na sagradong lugar.

Gayon pa man, habang naliligo sa talon ay biglang bumuhos ang malakas na ulan kung saan kasunod nito ay dumaloy ang tubig mula sa kabundukan.

Sa lakas ng agos ng tubig-baha ay tinangay ang mga biktima kung saan nalunod ang tatlo habang nakaligtas naman 16.

Show comments