Dalagita pinilahan ng 2 kainuman

QUEZON, Philippines – Minsan pang napatunayan na walang kahihinatnan ang pakikipag-inuman sa mga kaibigan matapos gahasain ang 15-anyos na estudyante ng kanyang mga nakainumang menor-de-edad sa Barangay Poblacion, bayan ng Guinyangan, Quezon kamakalawa ng gabi. Kasalukuyang nasa pangangalaga ng lokal na DSWD ang biktimang itinago sa pangalang Jessica habang tugis na ang dalawang suspek na sina alyas Joey, 16; at alyas Gimo, 17. Sa ulat ng women’s desk section ng pulisya, dakong alas-6 ng gabi nang makipag-inuman ang biktima sa dalawang suspek sa tabing dagat. Nang malasing ang bitktima ay napahiga ito sa buhanginan at binuhat ng mga suspek kung saan dinala sa abandonadong planta ng yelo at isinagawa ang maitim na balak.

Show comments