6 tiklo sa pot session

BULACAN, Philippines – Anim-katao kabilang ang isang notoryus na drug peddler ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya matapos na maaktuhan sa pot session sa Barangay Muzon, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng hapon. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Arnel Hate, 23, ika-8 drug personality na nakatala sa PNP; Jeeboy Yanco, 18; Rodelio Lacson, 38; Leonides Panday, 51; Rodolfo Elacion, 56; at si Gino Cabasan, 24, mga nakatira sa Pabahay 2000 sa nabanggit na barangay. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Charlie Cabradilla, unang naaresto si Hate sa inilatag na buy-bust sa kanyang bahay habang ang lima naman ay naaktuhan sa pot session. Nasamsam sa mga suspek ang ilang piraso ng plastic sachet na shabu at mga drug paraphernalia.

 

Show comments