6-anyos inararo ng trak, pisak

MANILA, Philippines – Napisak ang katawan ng 6-anyos na totoy makaraang magulungan at kaladkarin ng truck sa kahabaan ng Tabbacan Road sa Abatan, Buguias, Benguet kamakalawa ng umaga. Natukoy lamang ang biktima sa palayaw nitong Boy, Grade VI, ng Barangay Ambabag Guinaoang, bayan ng Mankayan, Benguet. Bumabagtas sa nasabing lugar ang Isuzu Elf truck (WTS 294) ni Jumarson Tay-og nang biglang sumulpot ang van mula sa kabilang direksyon. Bunga nito ay tinangkang iwasan ng truck ang van pero nasagasaan naman ang bata na nagulungan sa ulo. Sumuko naman sa pulisya ang driver ng truck.

Show comments