Trader pinatay sa sakal

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga, Philippines – Napaslang ang 49-anyos na negosyanteng Tsino na sinasabing nanibak ng kanyang trabahador matapos itong sakalin ay iginapos pa ng di-kilalang lalaki sa ikalawang palapag ng kanyang bahay sa Barangay Sto. Niño sa bayan ng Guagua, Pampanga noong Lunes ng umaga. Sa police report na nakarating kay P/Chief Supt. Rudy Lacadin, PNP regional director, kinilala ang biktima na si Sun Pin Lu, may-ari ng YKK Shoppers Mart, at nakatira sa nabanggit na barangay. Bandang alas-7 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakagapos ang mga kamay at paa na may busal sa bibig.  Pinaniniwalaang kakilala ng biktima ang suspek dahil walang palatandaang winasak ang ilang pintuan. Sinisilip ng pulisya ang anggulong paghihiganti ng mga sinibak sa trabaho ang nasa likod ng krimen.

Show comments