Konsehala utas sa ambush

MANILA, Philippines – Napatay ang 46-anyos na konsehala habang malubha naman ang kanyang mister makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins  sa kahabaan ng highway sa Dapitan City, Zamboanga del Norte noong Martes ng gabi. Naisugod naman sa pagamutan ng mga concerned citizen ang mag-asawa pero idineklarang patay si Riza Gablines habang inoobserbahan naman ang mister nitong si Marlon Gablines, 48, kapwa nakatira sa Brgy. Sicayab Bucana ng nasabing lungsod. Sa police report na isinumite sa Camp Crame, magkasama ang mag-asawa sa asul na Mitsubishi Estrada (LFT 154)  nang sundan at ratratin ng tandem sa kahabaan ng highway sa Barangay Liyang sa nabanggit na lungsod bandang alas-8:30 ng gabi.

Show comments