Retiradong pulis, itinumba

BULACAN, Philippines  - Hindi na napakinabangan ng retiradong pulis ang kanyang pensyon mula sa mahabang panahong serbisyo matapos itong barilin ng di-kilalang lalaki habang naglalakad sa bisinidad ng palengke sa Barangay Poblacion, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng umaga. Napuruhan sa ulo ng bala ng cal. 9mm pistol ang biktimang si ex-SPO1 Joselito “Joey” Cruz, 54, ng Barangay Lawa sa nasabing lungsod. Sa imbestigasyon ni SPO1 Allan Lampano, lumilitaw na naglalakad ang biktima mula sa kanyang tindahan sa People’s Market at patungo sa karinderya para mag-almusal nang lapitan at barilin sa ulo bandang alas-9:30 ng umaga. Sa nakalap na footage ng CCTV camera na nakalagay sa ilang tindahan ay nakita ang naganap na krimen at ang mukha ng gunman na pansamantala munang hindi isiniwalat ang pagkakakilanlan habang isinagawa ang imbestigasyon.

 

Show comments