Hayskul stude ni-rape slay

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 18-anyos na high school student matapos itong halayin ay pinatay pa sa sakal ng ‘di-kilalang lalaki  saka inabandona sa madamong bahagi ng Barangay Pasiagon sa bayan ng Placer, Masbate kamakalawa ng gabi. Bandang alas-11 ng umaga nang matagpuan ang walang saplot na katawan ng biktimang si Rosa Nedic, estudyante ng Vivencio Memorial High School at nakatira sa nasabing barangay. Base sa police report, huling namataang buhay ang biktima sa nasabing eskuwelahan subalit hindi na nakauwi. Pinaniniwalaang kakilala ng biktima ang suspek kaya pinatahimik ito para makaligtas sa batas.

Show comments