Nakasagi sa diskuhan, dinedo

MANILA, Philippines – Nauwi sa trahedya ang kasayahan sa disco party matapos na pagbabarilin ang 29-anyos na binata na sinasabing nakasagi ng isang di-kilalang lalaki sa Barangay Labuagon, bayan ng Kibawe, Bukidnon kamakalawa ng madaling araw. Sabog ang bungo ng biktimang si Renmar Galendez ng Barangay Old Kibawe. Sa ulat ng Bukidnon PNP na isinumite sa Camp Crame, dumalo sa piyestahan ang biktima upang maglibang pero sa gitna ng kasiyahan ay nakabangga nito ang suspek kaya naganap ang pamamaril. Nagsasagawa na rin ng malawakang pagtugis laban sa gunman na pansamantalang hindi muna isiniwalat ang pagkakakilanlan.

Show comments