Marino nagbaril sa sarili, dedo

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang may matinding problema sa pamilya kaya nagdesisyon ang 45-anyos na marino na salubungin si kamatayan matapos itong magbaril sa sarili kamakalawa ng gabi sa Barangay Buhay-na-Tubig sa Imus City, Cavite kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Ricardo Vista ng nabanggit na barangay. Sa ulat na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, bandang alas-8 ng gabi nang matagpuan ang duguang katawan ng biktima sa loob ng pag-aaring bahay  kung saan wala namang malinaw nadahilan ang sinabi ng misis nito kaugnay sa naganap na insidente.

 

Show comments