11-anyos nalunod sa palaisdaan

NUEVA ECIJA, Philippines – Nasawi ang isang 11-taong gulang na batang babae makaraang malunod sa malalim na bahagi ng nilalanguyan nitong palaisdaan sa Barangay Bunol sa bayan ng Guimba, noong Huwebes ng umaga.

Ang biktima ay si Gena Jose-Ramos, grade 5 pupil ng Bunol Elementary School. Bandang alas-9:30 ng umaga noong Huwebes, nagkayayaan umano ang biktima at kanyang mga kaibigan na mag-swimming sa naturang fishpond.

Habang nagkakatuwaan ang grupo, lumangoy ang biktima sa malalim na bahagi ng palaisdaan hanggang sa hindi na nakaahon.

Dahil dito, humingi ng tulong ang mga kaibigan ng biktima at naisugod pa ang huli sa Guimba General Hospital ngunit idineklarang patay nang idating sa pagamutan.

Show comments