Bus hulog sa bangin, 29 sugatan

MANILA, Philippines - May 29 katao ang lubhang nasugatan matapos na mahulog sa kanal ang kanilang sinasakyang bus sa Davao City kahapon ng madaling araw.

Base sa imbestigasyon ng Marilog PNP, napag-alaman na lulan ng Rural Transit Bus na may body number 2845 ang 40 pasahero na galing sa Cagayan de Oro at patungo sana sa Davao City.

Ngunit pagdating sa Sitio Bugac, Suwawan, Marilog District, pinaniniwalaang nakatulog ang bus driver na si Rey Aganap kaya nahulog sa kanal.

Kaagad nilapatan ng first aid ang mga biktima bago ito dinala sa bahay pagamutan. Sa ngayon iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang aksidente at kung sino ang posibleng may pananagutan.

Show comments