Nurse dedo sa tandem

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ang 38-anyos na male nurse sa mental ward ng Cagayan Valley Medical Center matapos itong ratratin ng riding-in-tandem sa compound ng ospital kasama ang kanyang pinsang nurse na lalaki sa Barangay Carig, Tuguegarao City, Cagayan kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Jessie Tamayao, hepe ng Tuguegarao PNP, naglalakad ang biktimang si Levy Christopher Baclig nang lapitan at pagbabarilin. Natulala naman si Marvin Paul Guerrero matapos masaksihan ang pagpatay sa kanyang pinsan. Narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang sinisilip naman ang anggulong love triangle.

Show comments