P14-M halaga ng marijuana sinunog sa Benguet

MANILA, Philippines — Libu-libong full-grown marijuana plants, dried marijuana stalks at seedlings ang sinunog ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos ang kanilang dalawang araw na operasyon sa Benguet.

Tinatayang nasa P14 milyon ang halaga ng mga sinunog na marijuana na nasabat noong Agosto 19 at 20 sa sityo Nakneng, Balisaosao at Tamurong sa Barangay Kayapa, Bakun, Benguet.

Bigo naman ang PDEA na maaresto ang nangangalaga sa mga tinamin na marijuana.

Nasa 10,949 square meters ang lawak ng lupain ng marijuana na sinugod ng mga awtoridad.

Show comments