4 arestado sa drug bust

Iniimbentaryo ng isa sa tauhan ni P/Supt. Lailene Amparo ang ilang plastic sachets ng shabu at baril na nasamsam sa apat na drug pusher sa isinagawang drug bust operation sa Brgy. Pajo, Meycauayan City, Bulacan. Boy Cruz

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang apat na drug pusher sa isinagawang drug bust operation sa Barangay Pajo, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng umaga. Pormal namang kinasuhan ang mga suspek na sina Jaime Pasionista, 33; Eric Guevarra, 29; Leopoldo Quinto, 47; at ang 17-anyos na lalaki na nakatira sa Brgy. Bagbaguin sa nasabing bayan. Sa police report na isinumite kay P/Supt. Lailene Amparo, sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Ramon Pamular ng Guimba Regional Trial Court  Branch 32 ng Nueva Ecija, sinalakay ng mga operatiba ng pulisya ang bahay ni Pasionista. Narekober sa mga suspek ang 16 plastic sachets ng shabu, cal.45 pistol, cal.38 revolver at mga bala, granada, dalawang digital weighing scale at mga drug paraphrenalias.

Show comments