Real estate broker nilikida

NUEVA ECIJA, Philippines  –  Napaslang ang 59-anyos na real estate broker makaraan itong pagbabarilin ng ‘di-kilalang lalaki sa kahabaan ng Sta. Rosa -Tarlac Road sa Barangay Rajal Centro, bayan ng Sta. Rosa, Nueva Ecija noong Linggo ng hapon. Dalawang bala ng baril sa dibdib ang tumapos sa buhay ni Maribel Dalida ng nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na patungong tindahan ang biktima para magpapalit ng pera nang lapitan at ratratin ng gunman. Tumakas naman ang gunman sakay ng motorsiklo habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

 

Show comments