Parak inambus ng 20 rebelde, ligtas

CAMARINES NORTE, Philippines – Himalang nakaligtas ang nag-iisang pulis laban sa may 20 rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos siyang tambangan at pagbabarlin habang lulan ng motorsiklo sa Brgy. Mabini, San Pascual, Masbate kamakalawa ng hapon.

Sa ulat, dakong alas-5 ng hapon habang lulan si PO2 Jim Velasco 44 anyos, may-asawa, intelligence officer ng San Pascual Municipal Police Station at residente ng Brgy Bulod, San Pascual, ng kanyang itim na Honda XRM nang  pagbabarilin ng mga rebelde.  Dahil dito, nawalan ng kontrol ang motorsiklo  at nabuwal. Gayunman, nagawang gumanti ng putok ang biktima at nakatawag siya ng responde sa mga kasama­hang pulis.

Mabilis na tumakas ang mga rebelde habang ang biktima na nasugatan lamang sa kaliwang siko ay agad na dinala sa Saint John Hospital sa Naga City.

Show comments