Most wanted tumba sa shootout
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - July 30, 2015 - 10:00am

CAVITE, Philippines - Napatay ang itinuturing na most wanted matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa inilatag na operasyon sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite, kamakalawa ng gabi. Napatay sa shootout si Jeffrey “Bibo” Capili ng Barangay Granados sa nasabing bayan habang sugatan naman sina P02 Jerrico Torres at Alfred Jovellanos.

Base sa tala ng pulisya, si Capili ay may nakabinbing warrant of arrest na inisyu ni Judge Eduardo Israel Tanguanco ng Regional Trial Court Branch 89 sa kasong attempted murder at murder. Sa ulat ng pulisya na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia, isisilbi sana ng pulisya ang warrant of arrest laban kay Capili nang manlaban at makipagbarilan ito.Tumagal ng isang oras ang bakbakan hanggang sa mapatay si Capili habang nasugatan naman si PO2 Torres at ang police asset na si Jovellanos.

ALFRED JOVELLANOS BARANGAY GRANADOS BIBO CAMP PANTALEON GARCIA CAPILI CAVITE GENERAL MARIANO ALVAREZ JERRICO TORRES JUDGE EDUARDO ISRAEL TANGUANCO NAPATAY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with