P20-M ari-arian, naabo

BANAUE, Ifugao, Philippines – Tinatayang aabot sa P20-milyon ang halaga ng ari-arian ang nilamon ng apoy matapos masunog ang apat na commercial building sa Barangay Bulanao, Tabuk City sa Kalinga kamakalawa ng hapon. Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali ng Kub-aron sa Purok 5 kung saan kumalat ang apoy sa 41 Pharmacy, computer shop, Well drugs and Convenience Store at ang klinika na pag-aari ni Dra. Marlyn Tubban Duyan. Napuruhan sa sunog ang nasabing drug store kabilang ang kanilang bodega kung saan nakaimbak ang mga gamot at hospital supplies. Umabot sa tatlong oras ang sunog bago maapula dahil na rin sa kakulangan ng fire trucks na inirereklamo na rin ng mga residente.

Show comments