5 bangkay narekober sa lumubog na barko sa Sulu

MANILA, Philippines – Limang bangkay ang narekober ng search and rescue teams mula sa lumubog na barko sa lalawigan ng Sulu kagabi.

Nakuha ang mga labi ng mga biktima sa lumubog na MPB Wilayza, isang hindi rehistradong pampasherong barko.

Bukod sa limang bangkay ay nailigtas din ng mga awtoridad ang 14 na katao, pito rito ay mga bata, na pawang residente ng Talipao at Tapul.

Lumabas sa pangunang imbestigasyon na overloaded ang barko na may kargang saku-sakong semento at mga bakal bukod pa sa 50 pasahero nito.

Patuloy pa rin ang search and rescue operations ng mga awtoridad.

Show comments