Mag-asawa nilikida

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang mag-asawa makaraang pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa harapan ng kanilang bahay sa Barangay Namit-ingan, bayan ng Dolores, Abra kamakalawa. ? Kinilala ang mag-asawa na sina Rigo Tordil, retiradong lineman ng Abra Electric Cooperative; at Lilia Tordil, midwife. Sa report na nakarating kay P/Supt. Albertlito Garcia, Abra PNP director, papasok pa lamang ng gate ng kanilang bahay ang mag-asawa nang lapitan at pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki bandang alas-9 ng gabi. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng M16 Armalite rifle  at 12-gauge shotgun habang anggulong paghihiganti ang isa sa motibo ng gunmen ang sinisilip ng pulisya.

Show comments