Bagitong dispatcher, nilikida

NORTH COTABATO, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa 18-anyos na dispatcher ng multicab makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa Quezon Boulevard, Barangay Poblacion sa Kidapawan City, North Cotabato kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa ulo si Eric Abad ng Magpet, North Cotabato. Sa police report na isinumite kay P/Supt. Franklin Anito, nakaupo ang biktima sa loob ng multicab na nakaparada sa harap ng botika nang lapitan at ratratin ng tandem. Narekober sa crime scene ang limang basyo ng cal. 45 pistol. Narekober din ang wallet ng biktima na naglalaman ng professional driver’s license na nakapangalan kay Joshua Idaw Ikling ng Sinsuat Street, Kidapawan City.

Show comments