Lola ninakawan, ni-rape slay ng akyat-bahay

STAR/File photo  

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinaniniwalaang hinalay muna bago pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang 80-anyos na lola ng mga lango sa drogang akyat-bahay sa bahay ng matanda sa Barangay Pattao, bayan Buguey, Cagayan kamakalawa. ?

Sa ulat ni PO2 Darwin Ponce, tadtad ng saksak sa mukha sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biyudang si Francisca Pedro kung saan walang pang itaas na damit nang madiskubre sa kanyang kuwarto dakong alas-7 umaga.?

Nabatid na nag-iisa lamang ang matanda sa kanyang bahay nang pasukin at pagnakawan ng mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang. ?

Ayon sa police report, nawawala ang bag na nag­lalaman ng ATM card at iba pang privilege card ng matanda na pinaniniwalaang tinangay ng mga kawatan habang patuloy pa rin sinisiyasat ng pulisya ang naganap na krimen. ?

Show comments