2 utas sa rambulan sa resto bar

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  – Dalawa-katao ang napatay habang dalawa naman ang malubhang nasugatan sa naganap na rambulan sa Kinamon Resto Bar sa bisinidad ng Magsaysay Ave. sa Barangay Concepcion Pequeña, Naga City sa Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Mother Seton Hospital ang mga biktimang sina Rendel Ryan Sy, 26; at Niño Rafael Estipona, 27, kapwa binata habang malubha naman sina Sylvester Gray Berina at Jenssen Mayuga. 

Nasakote naman ang dalawa sa apat na suspek na sina Antonio Cano, 28; at Antonio Rentoria, 23, kapwa nakatira sa nasabing lungsod. Base sa police report, nagkainitan ang grupo ng mga biktima at suspek na pawang lango sa alak sa nasabing resto bar.

 Dito na nagkarambulan at nagsaksakan ang dalawang grupo na nauwi sa pagkamatay nina Sy at Estipona habang tinutugis naman ng pulisya ang dalawang suspek na kasabwat sa krimen. 

 

Show comments