Kapitan pinagbabaril, kritikal
Francis Elevado (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2015 - 12:00am

CAMARINES NORTE, Philippines – Agaw buhay ngayon ang isang 65 anyos na brgy. chairman na tatakbong alkalde matapos itong barilin sa ulo ng hindi nakilalang armadong lalaki sa nabahiran ng dugong piyesta sa Zone 3, Brgy. Tambo, Pamplona, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang nasa malubhang kalagayan sa Intensive Care Unit (ICU) ng Mother Seton Hospital ang biktimang si Domingo “Ingo” Briones matapos na barilin ng hindi pa natukoy na armas na tumama sa kaliwang ulo nito dakong alas-11:20 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon galing sa sayawan sa piyestahan sa lugar ang biktima at pauwi na sa kanilang tahanan ng mangyari ang insidente.

Nabatid na si Briones ay dating  ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Sur at bina­balak nitong tumakbong alkalde sa bayan ng Pamplona sa darating na 2016 election.

AGAW AYON BRGY BRIONES CAMARINES SUR DOMINGO INTENSIVE CARE UNIT MOTHER SETON HOSPITAL PAMPLONA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with