Sekyu inararo ng ambulansya

CAVITE, Philippines - Patay ang 23-anyos na security guard matapos itong masagasaan ng ambulansya habang tumatawid sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Anabu 1-B, Imus City, Cavite. Kamakalawa ng hapon. Naisugod pa sa ospital subalit namatay din ang biktimang si Elmer Abenoja ng Block 123 Lot 2 Phase 3 sa Paliparan Site, Dasmariñas City, Cavite. Pinaghahanap naman ng pulisya ang driver ng ambulansyang may plakang SKW-545 na si Gilberto Cimorio ng Barangay Langkaan 2.

Show comments