Habal-habal drayber, inutas

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang 37-anyos na  habal-habal driver matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa Barangay Nabalawag, bayan ng Midsayap, North Cotabato kahapon ng hapon. Kinilala ng Midsayap PNP ang biktima na si Jomari Cadungog, may asawa at nakatira sa Barangay San Isidro sa nasabing bayan. Sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad, inarkila ng dalawang di-kilalang lalaki ang motorsiklo ng biktima patungong Barangay Nabalawag mula Barangay Pob­lacion. Subalit pagdating sa nabanggit na barangay ay agad niratrat ang biktima kung saan tinangay ng gunmen ang motorsiko nito. Narekober naman ang motorsiklo ng biktima matapos abandonahin dahil sa naubusan ng gasolina.

Show comments