Motorbike rider pisak sa truck

STAR/File photo  

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 43-anyos na mister matapos madurog ang ulo nito sa araro ng 10-wheeler truck sa kahabaan ng highway sa Barangay Sillawit, Cauayan City, Isabela kamakalawa. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Mariano Rodriguez, hepe ng Cauayan City PNP, humiwalay at nadurog ang ulo ng biktimang si Dominador Lastica matapos magulungan ng truck na minamaneho ni Wilson Domingo na tumakas matapos ang insidente. Lumalabas sa imbestigasyon na nasalpok muna ang minamanehong motorbike ng biktima sa motorsiklo ni John Rey Quiben.Tanging si Lastica ang nagulungan at nakaladkad na truck na sumusunod sa kanyang motorsiklo naganap ang trahedya.

Show comments