Drug pusher nilikida

BULACAN, Philippines – Patay ang 48-anyos na trike driver na sinasabing notoryus drug pusher matapos itong barilin ng dalawang di-kilalang lalaki sa Barangay Buliran, bayan ng San Miguel, Bulacan kahapon ng umaga. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Edgar Gavanes ng Barangay Sta. Ines sa nasabing bayan at nasa talaan ng PNP na nagpapakalat ng bawal na droga sa nasabing bayan. Ayon kay PO2 Richard Butic, namamasada ng trike ang biktima nang harangin at barilin pagsapit sa Purok 1 sa nabanggit na barangay. Nag­lakad palayo ang gunman na animo’y walang naganap na  pamamaril. Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Show comments