2 utas sa road mishap

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang namatay habang dalawa naman ang nasugatan makaraang sumalpok ang kanilang sasakyan sa kongkretong barrier sa kahabaan ng highway sa bayan ng Natividad, Pangasinan kamakalawa. Kinilala ang mga namatay na sina Rizaldy Paas, driver; at Rowena Wa-e habang isinugod naman sa pagamutan ang mga sugatang sina Randy Gallanta at Genrose Edioma. Sa ulat ng Pangasinan PNP na isinumite sa Camp Crame, pauwi na ang mga biktimang lulan ng kotseng may plakang TFH-410 mula sa pagliliwaliw nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver na sinasabing lango sa alak kaya sumalpok sa gilid ng barrier ng highway. Joy Cantos

Show comments