Fire truck hulog sa bangin: 3 bumbero patay

File photo

NORTH COTABATO, Philippines - Tatlong bumbero ng Mati City ang reresponde sana sa sunog ang namatay matapos mahulog ang kanilang sinasakyang fire truck sa bangin sa Sitio Sandig, Barangay Ompao sa bayan ng Tarragona, Davao Oriental kahapon.

Sa police report, patungo sana sa Manay City ang fire truck mula Mati City nang biglang nawalan ng preno kaya nagtuluy-tuloy ang truck sa bangin.

Kinilala ang mga biktima na sina Fire Officer 1 Andrew Angsingco, FO3 Ludevico Ponce, at ang job-order-officer na si Nikko Corambao.

Samantala, sugatan naman sina Fire Senior Inspector Arthur Joseph Urqueza, FO3 Reynaldo Barrera, FO3 Jessie Guarte, at si FO3 Primo Jabinez na pawang naisugod sa Davao Oriental Provincial Hospital.

Sinasabing kulang ang fire truck sa Manay City kaya humingi ng tulong sa kalapit na Bureau of Fire Protection ng Mati City ang rumesponde sa insidente.

Show comments