16-anyos drug courier, arestado

CAVITE, Philippines – Arestado ang 16-anyos na totoy na pina­niniwalaang drug courier ng sindikato matapos itong makumpiskahan ng bawal na droga at ilang drug paraphernalia sa Barangay Salitran 3, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Dinala sa himpilan ng  pulisya bago ibigay sa pangangalaga ng local na sangay ng Department of Social welfare and Development (DSWD) ang suspek na itinago sa pangalang Romeo ng Summer Meadows Subd. sa nabanggit na barangay. Base sa ulat ng pulisya, sinita ng mga barangay tanod ang biktima kung saan nasamsaman ng tatlong plastic sachet ng shabu, lighter, needle at tooters na ginagamit sa pot session. Pinaniniwalaang drug courier ng sindikatao ang biktima upang hindi mabisto ang kanilang modus operandi.

Show comments