Desperadong anak, nagbigti

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang desperado na ang 29-anyos na lalaki sa kanilang kabuhayan kaya nagdesisyong magpasalubong kay kamatayan matapos itong magbigti sa sariling bahay kamakalawa ng hapon sa Barangay Anu­ling lejos 2 sa bayan ng Mendez, Cavite. Bandang alas-2 ng hapon nang matagpuan ng ina ang kanyang anak na si Eddie “Boy” Ronario na nakabitin sa kisame ng kanilang bahay. Napag-alamang nagbigti na rin ang biktima subalit nalagot ang ginamit na tale kaya muli nitong inulit ang pagsalubong kay kamatayan. Tumanggi naman ang mga magulang na isailalim sa post-mortem examination ang biktima.

Show comments