_ngayon
^

P25-M shabu, nasamsam

Rhoderick Beñez at Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2015 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines - Umaabot sa P25-milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng pulisya makaraang salakayin ang bahay ng mag-asawa na sinasabing notoryus na drug lord sa inilatag na drug bust operation sa Barangay Ambalgan, bayan ng Sto. Niño, South Cotabato kamakalawa ng umaga.

Ayon kay P/Chief Inspector Joel Fuerte, hepe ng Sto. Niño PNP, sinalakay ng pulisya ang bahay ng mag-asawang Johny at Fatima Mantawil sa Purok Malipayon sa nasabing barangay matapos mag-isyu ng search warrant si Judge Marlo C. Brasales, ng municipal trial court Norala sa mga bayan ng Sto. Niño at T’boli.

Nasamsam ang siyam na jumbo pack, limang big pack at tatlong medium pack na shabu na tumitimbang na 2.5 kilos at cal. 45 pistol na may anim na bala.

Nakatakas naman ang mag-asawa matapos makatunog sa pagsalakay ng mga awtoridad.

AYON BARANGAY AMBALGAN BRASALES CHIEF INSPECTOR JOEL FUERTE FATIMA MANTAWIL JOHNY JUDGE MARLO C PUROK MALIPAYON SOUTH COTABATO STO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with