6 tomador nalason sa pulutan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Anim na tumador ang nalason sa pinulutang burong suso sa Barangay Laoing, bayan ng Piddig, Ilocos Norte kamakalawa. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Jake Isidro, hepe ng Piddig PNP; naisugod sa Governor Roque Ablan Memorial Hospital ang biktimang sina Kagawad Marlon Yasay, Kagawad Leonardo Silvano, misis nitong si Maryjane Silvano, Ireneo Vicente, Gabriel Adriano, at si Lemuel Dela Cruz. Ayon kay Dr. Roger Braceros, ang susong Birabid ay may mataas na kolesterol na maaari ring magpataas ng presyon ng dugo ng mga biktimang namulutan nito. Dahil sa insidente, ipinagbawal na ng local na pamahalaan ang pagtitinda ng mga nakaboteng burong suso na nakukuha sa sapa sa bayan ng Piddig upang masegurong hindi na ito makakapinsala pa sa kalusugan ng mga mamamayan.

Show comments