Chairman dinedo sa Brgy. hall

NUECVA ECIJA, Philippines – Pinabulagta ang 55-anyos na barangay chairman matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa harap ng barangay hall sa bayan ng Jaen, Nueva Ecija noong Martes ng umaga. Kinilala ang napatay na si Chairman Herminigildo Eduardo ng Barangay Dampulan at retiradong pulis noong 2013. Sa police report na isinumite kay Nueva Ecija PNP director P/Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, kausap ng biktima ang isa sa kanyang constituent sa harap ng barangay hall nang ratratin ng di-kilalang lalaki na lulan ng abuhing Mitsubishi Montero. Narekober sa crime scene ang 20 basyo ng bala cal.30 Carbine.

Show comments