Soltera sinalpok ng DPWH pick-up

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nagkalasug- lasog ang katawan ng 54-anyos na soltera matapos itong mabundol ng sasakyan ng Department of Public Works and Highways sa kahabaan ng kalsada sa Barangay 19, bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte kamakalawa. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Rodelio Santos, hepe ng San Nicolas PNP, nakilala ang biktima na si Pacita Lecbao habang sumuko naman ang driver ng DPWH pick-up (SFG 356) na si Engr. Efren Marquez. Luma­labas sa imbestigasyon na sinikap iwasan ni Marquez ang biktima na biglang tumawid sa kalsada subalit nahagip pa rin ito kung  saan tumilapon ng ilang metro at namatay.

Show comments