3 pahinante utas sa road mishap

CAMARINES NORTE, Philippines – Tatlong pahinante ang namatay matapos na mahulog ang truck sa malalim na kanal sa Barangay Villa San Isidro sa bayan ng Sta. Elena, Camarines Norte kamakalawa. Hindi na umabot ng buhay sa Rosary Virgen Mary Hospital ang mga biktimang sina Gerry Mercado, 20; Ruel Requillas, 30; at ang utol nitong si Marvin Requillas. Sumuko naman ang driver ng truck na si Rolando “Boy” Torres, 49, ng Purok 4, Barangay Kabuluan sa nabanggit na bayan. Sa ulat na nakara­ting kay P/Chief Insp. Juancho Ibis, hepe ng Sta. Elena PNP, nawalan ng kontrol sa manibela ng truck (VFC252) si Torres kaya tuluy-tuloy na nahulog sa kanal pagsapit sa Purok 3.

Show comments