Computer shop owner, nilikida

Sinusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang nakabulagtang biktima matapos na barilin ng di-kilalang lalaki sa loob ng computer shop sa KM.38-A, Barangay Pulong Buhangin sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan. STAR/Boy Cruz

BULACAN, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 39-anyos na trader matapos itong barilin ng di-kilalang lalaki sa loob ng pag-aaring computer shop sa Barangay Pulong Buhangin, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Isang tama ng bala ng cal. 9mm pistol na pumasok sa kanang mata at tumagos sa likurang bahagi ng ulo ang tumapos sa buhay ni Frederick Geronimo ng El Pueblo Subdivision sa Barangay Caypombo sa nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Joey Caballes, abala ang biktima sa pag-aasikaso sa mga estudyante ng Polytechnic University of the Phillipines sa loob ng 3LH Computer Shop sa KM.38-A nang komprontahin ng di-kilalang lalaki.

Gayon pa man, habang nagko-computer ang ilang estudyante ay umalingawngaw ang malakas na putok ng baril kung saan duguang bumulagta ang biktima.

Dito na nagtakbuhan papalabas ang mga estudyante sa takot na madamay kung saan sinamantala naman ng gunman na tumakas sakay ng motorsiklo.

Show comments