Ex-Romblon mayor 8 taon kulong dahil sa biik

MANILA, Philippines – Walong taong pagkakakulong ang kahaharapin ng dating alkalde sa Romblon at isa pang opisyal kaugnay ng “ghost” deliveries ng mga biik noong 1991.

Bukod sa pagkakakulong, iniutos din ng Sandiganbayan ang pagbabayad ng multa nina Looc Mayor Manuel Arboleda at Municipal Planning and Development coordinator Fermina Gaytano ng tig-P3,000 para sa kasong Falsification of Public Documents.

Lumabas sa imbestigasyon na pineke nina Arboleda at Gaytano ang laman ng Report of Inspection and Deliveries.

Pinalabas ng dalawa na naipadala ang mga biik at nagbayad ng P20,000.

Napatunayan ng Ombudsman na walang nangyaring delivery ng mga biik.

 

Show comments