Magkaibigan dedo sa killer truck

BULACAN, Philippines – Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang magkaibigang lalaki makaraang salpukin ng kanilang motorsiklo ang 10- wheeler truck sa kahabaan ng Old Cagayan Road sa Barangay Sto. Cristo, bayan ng Pulilan, Bulacan kahapon. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Chris Niño Layno, 23, ng Bara-ngay Lower Bicutan sa Taguig City at Bert Cardingas na kapwa nabasag ang bungo at bali ng mga buto sa katawan. Sumuko naman ang driver ng truck na si Allan Baylon, 42, ng Barangay Baao sa bayan ng Mauban, Quezon. Sa imbestigasyon ni PO3 Michael Alfaro, dakong alas- 2:40 ng hapon nang salubungin ng motorsiklo ng mga biktima ang truck (UYE-640) ni Baylon pagsapit sa nasabing lugar.

Pumailalim sa truck ang katawan ng mga biktima saka nagulungan.

 

 

Show comments