Pulis dedo sa salpok ng SUV

CAVITE, Philippines – Patay ang isang tauhan ng pulisya matapos masalpok ng SUV sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Lalaan 1, bayan ng Silang, Cavite kamakalawa ng gabi. Namatay habang ginagamot sa ospital si P01 Santiago Pangngay Bulayjo ng Tagaytay City PNP at nakatira sa B. Reyes Street sa Barangay 2 sa nasabing bayan. Arestado naman ang driver ng SUV na si Juanito Rivas Rodulfo Jr. ng #55 Dizon Street sa Bahayang Pag-Asa, Imus City, Cavite. Sa imbestigasyon ni P01 Carlito Jimeno, paalis na sa gasolinahan ang SUV (URC-524) ni Rodulfo nang masalpok nito ang motorsiklo ni PO1 Bulayjo.

Show comments