7 tiklo sa P.4-M shabu raid

NORTH COTABATO, Philippines – Pito-katao ang nasamsaman ng P.4 milyong halaga ng shabu ang nasakote sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng pulisya sa Purok Bago, Barangay Ambalgan sa bayan ng Sto. Niño, South Cotabato kahapon ng umaga. Kabilang sa mga suspek na kinasuhan at kasalukuyang nakakulong ay sina Musid Alamada, 22; Musid Clarin Alamada, 21; Joy Mupac Bacat ng Purok Quezon, Barangay Lamba, Banga, South Cotabato; Tonga Alamada Saniban, 35, ng Modon, Upper Sepaka, Surallah, South Cotabato; Jonathan Acoy Anopre, 20, ng Upper Sepaka, Surallah; Melvin Baladjay Colmo, 18, ng Gayaban, Block 4, Surallah, South Cotabato; John Mark Tamon Demetillo, 28, ng Surallah, South Cotabato. Ayon kay P/Chief Inspector Joel Fuerte, hepe ng Sto. Niño PNP, nasamsam sa mga suspek ang dalawang jumbo pack at walong small pack ng shabu.

Show comments