3 tiklo sa pot session

CAMARINES NORTE, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng tatlong adik makaraang masakote ng mga operatiba ng pulisya sa pot session sa loob ng sementeryo sa Barangay San Rafael, bayan ng Bato, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Pinangunahan ni P/Inspector Margarito Manaog ang pag-aresto sa mga suspek na sina Arnel Francia, 38; Joseph Michael Angelo Hernandez, 25; at si Jonathan Platilla, 38, mga residente ng nasabing barangay. Nasamsam sa mga suspek ang 12 plastic sachet ng shabu, 12 pirasong aluminum foil, 5 improvised aluminum foil tooter at 3 pirasong disposable lighters.

Show comments